FRESH ka ngayon..paano ka BUKAS…

Posted: August 18, 2011 in sex
Tags: , , , , ,

para akong nag luto ng sinigang na kuko ng baka,

ginisang kuto at kalderetang libag..

with ice cream dessert flavored wasabi and bagoong.


parang tubig na hinalo sa gasulina,

parang cellphone na walang battery,

parang ako na MAG-PAPAKASAL sa babae.at mag AANAK ng PAG ka-dami dami.!!

ang bottomline –MALABO–

Isang seryosong bagay na sumagi sa isip ko..

isang gabi. nanaginip ako tungkol sa kahihinatnan ng buhay ko pag dating ng panahon.
nakakatakot.. ayoko mangyari. pero alam ko darating ang panahong iyon.
wala na akong ama, simula nung 3rd year highschool ako. kaya sa kabuuan ng pag-dadalaga pag bibinata ko e, wala sya. pero nag papasalamat parin ako sa kabila ng lahat, napunan naman ng aking ina ang mga bagay na dapat si papa ang gumawa.,naaalala ko pa ang panahong PILIT akong sinasama ni papa sa cockfight( SABONG) kahit na ang init,bored, at napipilitan lang ako,at ang magagarang manok na ako ang ginawang care taker. pakainin ko nga ng dinurog na katol yung isa ,ayun edi round 1 palang,tepok na.! hihih!) mga kalokohan ko nung araw. ngayon papa alam mo na kung bakit natalo ka.! peace po!! heheh!!
i miss you..’pa..love na love ka ni mama..speaking of mama..

Noong una. iba pa ang ugali ng mama ko. maingay. magulo. laging galit. hindi malapitan.nakakatakot kausapin. yung tipong nambabato ng kamatis kapag inistorbo mo,sisigawan ka sa harap ng madaming tao kapag mainit ang ulo.pero sa pag daan ng panahon.dahil nga sa pag kawala ni papa, saaming mag kakapatid nabaling ang atensyon nya.lao na nung nagkaroon ng madaming apo mula kay kuya, nagiging maaalalahanin sya.masayahin,pasexy na manamit at sumusunod sa uso,naging malambing pa,kahit na minsan,di ko masakyan dahil di naman ako showy para makapag lambingan din kay mother earth. at ayokong makita yun ng mga kapatid ko dahil seloso sila. at ayokong nagiging bida.kaya pinili ko ang maging tahimik na tao at suplado sa mata ng pamilya ko,para sila ang pag-toonan ng pansin..at habang nag kakaedad ako at nag kakaisip.napansin ko na si mama lang ang kakampi ko kahit papano. sya ang nag bibigay ng mga pangangailangan ko. kaya natatakot akong mawala sya..

natatakot ako sa panahong, baka kalimutan na ako ng mga kapatid ko.wala na akong kakampi,wala mag sosoporta saakin. kaya pinipilit kong makatapos kaagad. para makapag solo na o di kaya e,maranasang kumita galing sa sariling pawis.

Sa ngayon masaya ako.. feeling ko, wala akong problema sa buhay, walang problema sa pagkain,damit, tirahan, nasusunod ang gusto, walang trabaho, kain tulog lang kumbaga..
di ko napapansin.. dumadagdag ang edad ko. sa edad kong 21 ngayon, feeling ko. wala akong silbi. feeling ko wala pa akong naa-achieve,saan ako pupulutin kapag wala na si mama.susuportahan ba ako ng mga kapatid ko,paano ako mabubuhay mag isa?, paano ako kapag nag asawa na sila at may kanya kanya ng pamilya.?paano na ako.? yan ang mga tanong na parang gayuma na pilit pumapasok sa isip ko kahit kontrahin ko pa.natatakot ako:-( 

dumako naman tayo sa realidad,personalidad,kasarian at katotohanan…

HINDI AKO MAG AASAWA..!

‘yan ang nakatatak sa utak ko. dahil alam ko di ako magiging masaya kahit ipilit ko.para akong nag luto ng sinigang na kuko ng baka, ginisang kuto at kalderetang libag..with ice cream dessert flavored wasabi at bagoong!
parang tubig na hinalo sa gasulina, parang cellphone na walang battery, parang ako na MAG-PAPAKASAL sa babae.at mag AANAK ng PAG ka-dami dami.!! ang bottomline –MALABO– pero naisip ko mali e. paano na ako pag tanda ko. sino ang mag aalaga sakin, sino ang aagapay, sino ang magiging kasama ko sa hirap at ginhawa. makakasama ko tuwing espesyal na okasyon, mula birthday, christmas at newyear. specially UNDAS“valentines”

OO.. siguro sa ngayon nag eenjoy pa ako,party party, gimik, gala, inom, bisyo, lahat na.. date dito date doon. kembang dito, harutan doon.. kinikilig sa twing nakakarecieve ng sweet txt msgs na kala mo walang katapusang pag ibig.(kahi na “goodmoring” lang naman ang sinabi) mahabang call na umaabot ng 3-4 hours,kahit gipit na,at pang baon na ang ipinang a unli call. sweet sweetan. nag lalaro ng habulan-gahasa..asaran sa barkada(ayaw mo pero kinikilig ka),bigayan ng gift (pero ako narerecieve ko after a month, delayed lagi.)tuwing monthsary.nag susubuan ng snack sa school(sa kanya ang meal,sa akin ang water”mag diet daw ako”) manonood ng sine.(sagot nya nga 1 popcorn sakin naman yung movie pass) hala!! wala naman tumatagal na relasyon. pinakamatagal ko na ang 7 months. kalokohan pa.at ang masaklap, ako lang ang nag seryoso.tsk tsk!siguro sumpa na yun ng relasyon dahil nag kasagutan kami sa sementeryo at nov.1 yun.(hindi yan joke)yan ay ngayong bata pa at FRESH pa. pano pag matanda na ako at kasing kutis ko na tita swarding, at ka fes si kuya jobert sucaldito. at ang dating mabangong katawan ay magiging amoy bayabas na bulok na,o sing amoy ng bulaklak na pininda ni aling puring sa tapat simbahan,na may halong amoy kandila sa gigilid.. sa tingin mo ba.. magagawa ko pa yan..o ang tanong. may papatol pa ba kay barrogs.haha!!

kaya naisip ko.. tama si mother earth. KAILANGAN ko ngang mag asawa at mag kaanak.
gusto daw nya mag kaapo sakin..ano naman kaya magiging itchura nun. yan din ang isa pang nakakatakot e.!LOL!

pano ba.. paano ba manligaw ng babae, pano ba maging sweet sa kanila.
kaya ko ba,(hindi ba nakaka suka yun- lasunan(anti-BI-otic)

AYY BASTA!natatakot ako..kailangan mag payaman.mag impok para sa kinabukasan
natatakot akong tumanda….natatakot akong mapag iwanan at tumanda mag isa..
sana makahanap ako ng taong mamahalin ko habang buhay
at habang naka sakay sa jeep , darating sa time at sasabihin nya
ang mga katagang
..
“ma’, bayad oh.. dalawang senior

ikaw.. handa ka na bang harapin ang kinabukasan mo..?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s